Our friends’ wedding pics
Share ko lang ‘tong pics namin sa wedding nina Sharon at Roel. Ito ‘yung unang buhos ng mga larawan na kaakibat ng kuwento sa Biyaheng Baguio. Salamat kina Alex V (na nawawala sa mga larawan dahil siya ang kumuha ng pics sa kanyang Nokia 7650 at ‘di na sumama sa amin sa Vigan at Baguio dahil may hinabol na trabaho sa Maynila) at Karla (na pagdating sa Cebu ay kaagad ipinadevelop, ini-scan, at ipinadala sa amin ang mga larawan mula sa camera niya). Yung mula sa camera nina Don at Bing ay sa susunod na lang.

Si Roel at ang kanyang mga abay

Ang simbahan na pinagkasalan sa kanila

Si Sharon sa harap ng simbahan

Sina Karla at Bing (na isa sa mga abay)


Ang sayaw ng bagong kasal sa reception

Ang apat na sikat, este, friends pala: Don, Bing, Karla, at Ederic.

Yung girls lang.

“Kami ulit.”

“Kami rin ulit!”

“Kaming tatlo naman!”

“O palit naman!”

“Speech! Speech!”

“Mommy, bakit ka naiiyak? Hehehe. Hehehehe. Ansaya-saya, no?”

“Yehey, nakasakay kami sa kalesa ng Vigan! Happy happy joy joy joy!”
Related Entries:









May 29th, 2003 at 11:26 pm
yan, nakita ko na rin ng malapitan ang mukha ninyong dalawa ni karla!
ganda nung simbahan ha. ang romantic naman nung place sa vigan pa. taga dun ba yung mga kinasal?
btw, and bertdey ko sa june pa. malay ko ba sa mga taong to bakit basta nalang ako binabati, belated pa raw! haha!
May 30th, 2003 at 1:10 am
haha, sana lang di ka masyadong natakot sa ‘kin!
actually, sa santo domingo, ilocos sur yung simbahan.
advance happy birthday pala.
May 30th, 2003 at 3:23 pm
lol! may kilala ako na kamukhang-kamukha yung 2 babae!
May 30th, 2003 at 3:43 pm
nice pics. sang simbahan iyan? tatay ko, next month naman. sa isang kapilya sa munoz, nueva ecija ang kasal.
May 30th, 2003 at 5:10 pm
Lagsh: Pakilala mo naman sa amin, hehehe.
Mart: Balita ko nga best man ka, eh. Kayo ni Alice, wala pa ba?
May 31st, 2003 at 4:29 am
siguro dahil lang sa lighting…
May 31st, 2003 at 3:15 pm
Siguro nga…
May 31st, 2003 at 3:57 pm
pa-autograph naman, pogi. ha, ha.
May 31st, 2003 at 4:05 pm
Hala ka! Sabi ng matatanda, di raw napupunta sa langit ang mga sinungaling, hehehe.
June 1st, 2003 at 11:29 am
Hehehe ganda ng girls, pahingi ng autograph. Cutie din yung guy na nakamaroon na shirt, Don ba yung name nya? O yan bing ha? You cannot now say I am not a true friend!!!
June 1st, 2003 at 12:54 pm
kung may isandaang items sa listahan ko, nasa 105 yung pagpapakasal para sa akin. layu pa. e di pa nga kami pormal ni alice e. hehe.
June 1st, 2003 at 3:17 pm
Ellen: Hmmm, magkano bayad sa ‘yo ni Bing? Hehehe.
Mart: Kanta na lang ako ng Bakit di Totohanin.
June 2nd, 2003 at 10:50 am
magandang araw… (naway hindi ko sinira ang maganda mong araw)…
sana’y walang personalang mamagitan sa ating dalawa (re: mart’s journal on gloria), at sana welcom din ako mag post ng mensahe dito, sana ay ok lang syo…
dont worry, i have no intention of posting bad thoughts here….
ingat…
June 2nd, 2003 at 3:05 pm
Sana inedit mo ang pic, para naman lumiit ang braso ko.
Sino kamukha ko?
June 2nd, 2003 at 5:33 pm
basta ang alam ko, mas mura ang kalesa sa vigan, kesa intramuros. nice pix ederix!
June 3rd, 2003 at 2:45 am
Zippo : salamat sa pagdaan. welcome na welcome ka rito! oo, walang personalan yun! daan-daan ka lang.
Karla: Hehehe. Di kaya e! :p
Ibalik: Salamat!
June 4th, 2003 at 3:19 am
hey ederic… salamat sa pagbisita sa blog ko.
buti pa ‘tong blog mo, may katuturan. yung akin feeling ko puros inuman na lang nilalagay ko. heheh.
June 5th, 2003 at 2:27 am
Salamat din. Sana sa susunod na inuman, magyaya ka, hehehe. Tagal ko nang di umiinom e!
June 8th, 2003 at 4:36 pm
thanks ellen, bestfriend na din kita
nice comment….hehe 

ederic, pare buti nalang walang pix nung may bote kang hawak, at iniaabot mo ung baso saken… palagay ko mas pogi tayo dun!
June 8th, 2003 at 6:47 pm
Sus, umaatikabong bolahan na po!
Oo nga!Mabibisto sana kung sino ang umubos sa Chivas Regal, ehehehe! :p
June 8th, 2003 at 10:16 pm
hayan sabi ko na nga ba deny na…
hows karla na pala? sya naman ata d nagpaparamdam ngayon!
June 8th, 2003 at 11:36 pm
Baka walang load. Andyan lang ‘yun.
June 9th, 2003 at 1:32 pm
oi, friends. ehehehe. iba na talaga ang samahang nabubuo sa ma-boteng usapan. cheers! =)
June 9th, 2003 at 5:08 pm
Don: Andito lang ako. Walang load, as always. At gipit na gipit dahil sa mga kalokohan natin sa Baguio. Sarap bumalik. Di pa nga tayo nakapag-ukay-ukay. Kainis. Next year balik tayo. Dun ulit sa dati. Next year may kasama na ako. Libre ulit ha?
Bing: Nagkalovelife lang tayo kinalimutan na ako. Ay! May lovelife na rin ako. Sorta. Kinda.
Ederic: Pwede pag kinasal ako i-post mo rin pics ko? That is, KUNG invited ka.
Rick: Simbahan lang ba maganda?
Vida: Imbitahan mo rin ako sa kasal mo ha. Ikaw magbayad ng one-way. Di na ako babalik eh. Hehehe.
June 10th, 2003 at 2:12 pm
karla: oi, unfair! di naman kita kinalimutan. para namang di tayo araw-araw nagcha-chat. =)
vida: ako rin! libre mo one way. hehehe. teka, me possibility bang ikasal ka? ehehe. Dyok.
November 10th, 2004 at 1:16 pm
hay na miss ko tuloy frends ko sa sto domingo. yung times n maksama kming magsimba. ung simbang gabi. hay naku. kakamiss tlaga. wla ksing gnyang simbhan dito sa cebu