Mag-ingat sa Philippine Anti-Drug Support Group, Inc.
Katatapos ko lang makipag-usap, at pinagbagsakan ako ng telepono ng isang nagpakilalang Dir. Pablo Cagasa ng Philippine Anti-Drug Support Group Incorporated.
Unang kumausap sa akin ang isang tila assistant mula raw sa kanyang opisina, hinahanap ang isang Aderic Eder. Nang makausap ko na siya, sa kanyang paliguy-ligoy na pananalita, kinumusta niya ako at ang aking negosyo. Sinabi niyang ang kanilang grupo raw ay isang NGO na pinopondohan ng mga donasyon. Sa local government unit at Bureau of Internal Revenue raw nila nakuha Nais daw nila akong imbitahan sa kanilang founding anniversary sa Kowloon House dito sa Quezon City at baka raw ako gawing guest speaker.
Bakit kako? Sa anong kapasidad kako nila ako gustong imbitahan?
Hindi niya masagot nang mahusay ang tanong ko, at sa halip ay sinasabing di raw compulsary at mandatory ang kanilang imbitasyon. Inulit ko ang tanong ko at sinabi kong kaya ba akong iniimbitahan ay dahil nagtatatrabaho ako sa (sinabi ko ang pangalan ng estasyon ng telebisyong pinagtatrabahuhan ko]?
Medyo napikon na ako at diretsahan ko na siyang tinanong: Ano kako ang kailangan nila sa akin? Paliguy-ligoy pa rin siya.
Nag-Google ako, at nakita ko ang report na ito sa UNTV:
Fake PDEA carolers, gagala na sa holiday season
Muling nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagiikot ng dalawang grupong nagpapakilalang Accredited Members ng ahensya.
Ang mga ito’y nagiisyu ng pekeng Accreditation card - kapalit ng donasyon para umano sa raffle ng PDEA.
Nilinaw ni PDEA Dir. Dionisio Santiago na hindi kailanman naging konektado sa kanilang grupo ang Citizen Anti-drug Action Group at Philippine Anti-drug Support Group Inc.
Ang dalawang pangkat na ito ay lantarang lumalapit sa mga negosyante at ginagamit ang pangalan ng PDEA para manghingi ng regalo at pera. UNTVweb.com
Sinabi ko ito sa kanya, at kako’y hihingan din ba nila ako ng donasyon? Wala raw siyang sinabing ganoon. Kinamamayaan ay pinagbagsakan na niya ako ng telepono.
Ano kaya ang tunay na layunin ng mga taong ito? Mag-ingat sana tayo at huwag papadala sa mga ganitong callers.
Related Entries:









April 10th, 2008 at 8:43 pm
Hmm…may kahalintulad din akong karansan, sa isang kilalang kumpanya ng insurance naman at sinasabing nanalo daw ako ng “accident insurance plan.” Ito raw ay bahagi ng selebrasyon ng kanilang anibersaryo.
Ma-iblog nga rin ang kwento kong iyon.
jhay’s last blog post..Flickr Videos: Twitter in motion?
April 11th, 2008 at 11:09 pm
hala… katakot naman yan parang stalkers.
aajao’s last blog post..samu’t-sari
April 12th, 2008 at 4:15 pm
mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat… marami yang mga kampon ng kasamaan ng nagkalat sa lipunan ngayon… wala namang maloloko kung walang magpapaloko… ahehe! yun lang po!
bleue’s last blog post..Samal Island
September 10th, 2008 at 5:51 pm
just got the same call from CADAG.
what they want? money!
check out pdea’s website.
but in fairness, they are convincing huh…