Ka-Blog!: ang coolest teen tambayan

Magsisimula na ngayong Sabado, Agosto 9, 10:00-10:30 a.m., sa GMA-7, ang pinakabagong lingguhang teen tambayan sa telebisyon, ang Ka-Blog!
“Oist! D2 na ko! EB tayo! Naka-YM ko c BFF, she’s twittering now! LOL! Naka-post na pics natin sa Flickr. IMHO, mas trip ko ang Facebook! BUZZ! NR ka. GTG!”
Gets mo ba?
Ito na ang lengguwahe ng mga teenagers ngayon. Sanay sa shortcut, gusto lahat instant, laging adventure ang hanap. Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, nagbabago rin ang mga gusto at hilig nila. Facebook, Friendster, Twitter, Flickr, RPG… ilan lang ito sa mga kinalolokohang libangan ng mga teens ngayon sa internet. Kumpleto rin sila sa mga high tech na gamit gaya ng PSP, I-pod, I-phones, XDAs at kung ano-ano pa!
Isang bagong henerasyon ang nabuo nang dahil sa high technology, at may kakayahan na sila ngayong bumuo ng isang panibagong mundo sa pamamagitan lang ng isang mouse click! Sa bilis ng mga pagbabagong ito, hindi na raw makahabol ang mga matatanda kaya hirap na hirap silang intindihin ang mga kabataan ngayon.

Ngayong Agosto, makikiuso sa gusto at makikibagay sa trip ng mga teenagers ang GMA News and Public Affairs Department sa pamamagitan ng Ka-Blog!, ang programang magiging weekly tambayan ng mga teenagers at magpapakita ng mga hilig nila ngayon sa buhay! Kada linggo, iba’t ibang kuwento at istorya tungkol sa teen life ang mapapanood sa Ka-Blog! — mula sa mga isyung mahalaga ngayon sa mga teenagers gaya ng problema sa relationships at mga isyu sa pamilya, hanggang sa latest fashion trend, coolest gimik hangouts, mga campus heartthrobs at pinakabagong gadgets!
Apat na teenagers ang makakasama ninyo sa pagtuklas ng mga masasayang bagay tungkol sa Pinoy teen life. Ang Ultimate Kikay Girl na si Andrea Torres ang magbibigay ng mga usong-usong fashion trends ngayon, habang ang Techie Gimikero na si Mico Aytona ang magpapakita ng pinaka-high tech na gadgets at magtuturo ng mga pinakabagong computer games!
Sasamahan naman ng Radical Chick na si Monica Verallo ang mga kabataan sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problema at isyung hinaharap ngayon ng mga teens, samantalang ang Kuwelang Guwapito na si Lucky Mark Mercado ang makakasabay nyo sa mga bago at exciting sports activities ngayon!
Sa unang sabak ng Ka-Blog! ngayong Agosto 9, sulyapan ang behind-the-scenes ng pelikula ng pinaka-popular na teen heartthrobs ngayon sa showbiz: sina KC Concepcion at Richard Gutierrez! Kasama sila Andrea at Mico, aalamin natin kung paano nabuo ang umuusbong na love team ng dalawang teen idols! Ang Ka-Blog! naman nating si Lucky Mark, masusubukan ang liksi at gilas sa Parkour, isang extreme activity na magtuturo kung paano mas mabilis na makakarating sa mga pupuntahang gimik! Samantala, makikilala ng Ka-blog! nating si Monica ang mga teenage victims ng Cyberbullying, isang delikadong paraan ngayon ng pangbu-bully gamit ang internet.
Makitambay na kasama ang inyong mga bagong kakulitan tuwing Sabado sa pinakabagong teen tambayan, ang Ka-Blog! simula ngayong Agosto 9, 10:00-10:30AM sa GMA-7.
Related Entries:










August 6th, 2008 at 11:46 pm
post ko na sa blog ko to..! Thank you…
Gabriels last blog post..“Ka-Blog!: Ang Coolest Teen Tambayan”
August 8th, 2008 at 11:08 am
Magkakaroon rin ba sila ng blog o ng Twitter/plurk account or YouTube? Magandang masubaybayan ito.
Janette Torals last blog post..Blogging from Home book launch preparations
August 8th, 2008 at 8:23 pm
Gabriel: Maraming salamat. :-
Janette: May blogs ata sila: Will suggest that they create a Twitter account.
August 9th, 2008 at 4:48 am
inaabangan ko ‘to. katunayan 4am gising na ako.
Sa Multiply.com, si Mico at Monica lang ang may account?
EDs last blog post..Watch Beijing Olympics Online! - live sports
August 9th, 2008 at 9:25 am
Salamat, Ed. Kakagising ko lang.
Parang nabasa ko, may blog din si Lucky Mark. Tingnan ko nga.
August 22nd, 2008 at 11:49 pm
uhm si kuya lucky..mabait yan!approachable..mabait na kaibigan..down 2 earth..magaling sumayaw..he’s a type of guy na may sense of humor..we’re not that close but bait yan trust me..uhm pls support lucky mark mercado!