Imbitado kayo sa blog launch nina Jun Lozada at Among Ed Panlilio
Mula sa Bloggers’ Kapihan:
Malugod kayong inaanyayahan ng Bloggers’ Kapihan sa magkasunod na blog launches sa dalawang susunod na Sabado. Sasamahan ng BK Crew sa paglulunsad ng kanilang blog sina Jun Lozada – ang pangunahing saksi sa pagdinig ng Senado sa ZTE deal — at Among Ed Panlilio — ang gobernador ng Pampanga na iniluklok ng “people power” noong nakaraang halalan.
Samahan ninyo kami sa Sabado, May 31, 2008, 1pm sa Kape Tasyo sa Anonas, Quezon City sa blog launch ni Jun Lozada.
Sa Hunyo 7 naman, 30 bloggers ang dadalhin ng Bloggers’ Kapihan sa Among Ed blog launch. May libreng sakay, pagkain at pamamasyal sa Pampanga para sa mga sasama.
Abangan sa BK website ang kumpletong detalye ng mga gawaing iyan. Samantala, pakimarkahan na ang inyong kalendaryo para muli namin kayong makadaupang-palad sa susunod na dalawang Sabado.
May isinulat na rin tungkol dito si Shari, kasama ko sa BK Crew.
Related Entries:









May 28th, 2008 at 2:13 am
sige sali me
yay!
Jehzeel Laurente’s last blog post..My New Business Card
May 28th, 2008 at 11:32 am
Ha! Sapagkat ang presswork namin para sa susunod na isyu ay sa Lunes, libre ako sa Sabado. Pupunta ako riyan!
May 28th, 2008 at 9:22 pm
Dapat kasama rin si Gov. Padaca.
May 29th, 2008 at 8:15 am
Jehzeel: Nasa Maynila ka ngayon?
Alex: Kita-kits sa Kape Tasyo.
Ka Rusty: Oo nga, dapat kasama si Gov. Padaca. Subukan natin.
May 29th, 2008 at 8:29 am
try ko pumunta, then ask ko news online team if they can join ok lang naman di ba? no conflict with the other station if we can cover?
May 29th, 2008 at 11:59 pm
Flowell: Sana makalabas ka. Sige, sana ma-cover n’yo kami. Di ko nga alam kung iko-cover kami nung “other station”. :p
May 30th, 2008 at 6:12 am
Gusto ko rin sumama
Micamyx’s last blog post..Boredom. Sadness.Heartbreak.Depression
May 30th, 2008 at 3:53 pm
Aww buti naalala ko, I have to tell Shari that I can’t make it may lakad bukas…
P365D’s last blog post..Hero
May 31st, 2008 at 1:16 am
Micamyx: Punta ka na!
P365D: Ay, sayang.
June 1st, 2008 at 5:43 pm
di ko mahanap ang link sa blog ni among ed. i would love to see what he has to say. mukha syang matalino at may sense.
lenis last blog post..pursuit of happiness.
June 1st, 2008 at 6:17 pm
leni: ilulunsad pa lang sa Sabado ang blog niya. Pwede kang sumama sa amin kung may panahon ka. Pupunta tayo sa Pampanga. May libreng sakay, lunch at tour sa probinsya. Tapos, ibabalik tayo sa Manila bago gumabi.