Archive for the ‘Tinig.com’


Published July 6th, 2008

EdericEder.com

Inabangan ko ngayong taong ito na mag-expire yung kauna-unahang domain name ko, ang ederic-dot-net. Nawala ito sa akin dati dahil hindi ko na-renew. Wala pa akong credit card noon, at laging walang pera (parang ngayon, hehe). Tingin ko, asteeg yung domain dahil first name ko lang iyon kaya’t mas maiksi at madaling tandaan.

Kahit bad trip ako sa GoDaddy dahil ayaw nila dating tumanggap ng mga credit card na galing sa Pilipinas, sinubukan ko ang domain backorder service nila. Mas mura kasi. Di kagaya roon sa malalaking company na kailangan ko ng at least $60. Ang masakit dito, hindi nila nakuha ang domain name ko. Naunahan pa rin ako ng iba. Kaya kung may lumang link kayo papunta sa ederic-dot-net, pakitanggal na lang, para di na makinabang sa backlinks ang damontres na kumuha nito.

(more…)

Published October 14th, 2007

Mga larawan mula sa BK 2.0

Published August 20th, 2007

Proyektong Malu Fernandez

August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs

August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez

Habang pinag-uusapan pa rin sa iba’t ibang sulok ng Philippine blogosphere ang pagpapatawa ni Malu Fernandez, tuloy ang kampanyang boykot ng Tingog.com. Ang iba, sumusugod na sa Multiply site ng People Asia.

Ang Tinig.com naman, mayProyektong Malu Fernandez. Mula ito sa mungkahi ni Benj Espina at sumusunod sa tradisyon ng mga writing project ng Digital Filipino.

Titipunin sa Tinig.com Blog ang reaksyon ng Pinoy bloggers sa isinulat ni Fernandez. Pagkatapos, pipili ang bloggers mismo ng 10 entry na pinakagusto nila. (more…)

Published March 16th, 2003

Muling Lumilipad si Darna

Muling lumilipad si Darna, ang Pilipinang superhero na nilikha ni Mars Ravelo at namayagpag sa daigdig ng komiks, pelikula, at telebisyon mula pa dekada 50.

“Dumarating ako sa ngalan ng kapayapaan at katarungan… Pumarito ako upang labanan ang kadiliman,” ang pahayag ni Darna sa pinakabagong komiks na nagtatampok sa kanya, ang “Mars Ravelo’s Darna Golden Anniversary Book” ng Mango Comics.

Ang “Mars Ravelo’s Darna” ay isang serye na may tatlong bahagi, at nilikha para sa bagong salinlahi ng mga mambabasa. Si Boboy Yonzon ang smulat ng kuwento at ang mga larawan ay iginuhit naman nina Ryan Orosco at Gilbert Monsanto. Inilalarawan ng bagong komiks–na sa kasamaang palad ay nasusulat sa wikang English, ngunit may pailan-ilang tilamsik ng Tagalog mula sa mga terorista at alalay–sina Darna at Narda bilang makabago, maganda, matalino, at seksi ngunit matapang at palabang babae. (more…)