Archive for the ‘Talumpati’


Published October 15th, 2008

Pag-ahon

Ang ambag ko sa Blog Action Day sa Pilipinas at sa buong mundo:

Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.

Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,” ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.

(more…)

Published March 25th, 2008

Valedictory address

Graduation season na naman. At dahil sa comment ni Eunice, magtatapos na valedictorian sa kanilang paaralan, at sa iba pang naghahanap ng talumpati para sa graduation, ibinabahagi ko ang talumpating binigkas ko sa Ipil National High School noong April 1995. Isinulat ito para sa akin ng isang kamag-anak naming guro.

Ang totoo, nagulat ako nang mabasa ko ang comment na nanghihingi ng valedictory address. Kako’y valedictorian siya, bakit kailangan niyang magpagawa sa iba? Pero nahiya ako sa sarili ko nang maalala kong hindi rin naman ako ang nagsulat ng speech ko noon bilang valedictorian ng klase. Hindi ko na maintindihan ngayon kung bakit kinailangan ko pang magpasulat ng talumpati na ako ang bibigkas.

Medyo weird na ngayon ang ilang bahagi kapag binabasa ko ang talumpati. Lalo na’t pagdating ko sa UP, kung saan wala na akong tagasulat ng talumpati, ay isa ako sa mga estudyanteng bumabatikos sa Philippines 2000.

Ang maipapayo ko kay Eunice at sa mga gaya niya, gamit ang ilang halimbawa gaya ng talumpati sa ibaba, at sa gabay ng tema ng pagtatapos nila, isulat niya ang sariling valedictory address. Magiging mas natural at mas totoo ang kanyang speech kapag ganoon — saka wala siyang mararamdamang hiya sa sarili balang araw.

(more…)

Published December 18th, 2007

Maikling talumpati ng ina ni Cris Mendez

Nakuha ko ang talumpati sa ibaba sa blog ni Arbet at sa blog ni Marian Panganiban, ang kinatawan ng School of Economics sa University Student Council. Kumakalat na rin ito sa email at mga online forum.

Maikling Talumpati ni Gng. Cristina Garcia Mendez, ina ni Cris Mendez, sa National Conference to Stop Hazing noong Disyembre 11, 2007 *

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang Jj Ocana na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”

(more…)

Published October 15th, 2007

Basura

Bloggers Unite - Blog Action Day

Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang mala-talumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:

Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.

Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa. (more…)