Archive for the ‘Internet at Blogging’


Published October 26th, 2008

Dumalo ako sa Manila Bloggers EB ng DigitalFilipino.com Club

Kahapon ginanap ang DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event, pero kahapon din lang ako nakapag-confirm ng attendance. Kahit nakabakasyon, medyo puno schedule ko ngayong mga araw na ito.

Sa Starbucks 6750 ang kitaan, kaya bago mag-5p.m. ay pumunta na ako roon. Di ko man hilig bumili ng napakamahal na kape nila, napilitan din ako. Wala kasi akong nakitang ibang blogger sa mga table, maliban kay BillyCoy, na mukhang di naman ako nakita o nakilala. Pero paglabas ko bitbit ang isang basong kape, saka ko nakita sina Janette at Tonyo. Doon na kami naghintay ng bus na magdadala sa amin sa Casino Filipino sa Paranaque, ang venue ng kitaan.

(more…)

Published October 15th, 2008

Pag-ahon

Ang ambag ko sa Blog Action Day sa Pilipinas at sa buong mundo:

Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.

Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,” ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.

(more…)

Published October 14th, 2008

Bloggers’ Kapihan urges Filipino bloggers to join blog action day vs poverty

Press release from our group, Bloggers’ Kapihan:

Cyberspace group Bloggers’ Kapihan over the weekend called on Filipino bloggers all over the world to join the Blog Action Day 2008 on Oct. 15 by taking on the issue of poverty through text, photos, music and podcasts, video and microblogging.

Bloggers’ Kapihan posted instructions and resources for interested bloggers at the event website, Blog Action Day 2008 Philippines.

“On Oct. 15, we urge bloggers to unite and discuss poverty. It may be an essay, a story on how they may once be poor or their fears about falling to the ranks of the unemployed. It may also come in the form of a video or a podcast,” said Bloggers’ Kapihan crew member and journalist Anthony Ian Cruz, who publishes the blog http://tonyocruz.com, this year’s best news and media blog in the Philippine Blog Awards.
(more…)

Published October 6th, 2008

Congratulations sa Philippine Blog Awards winners

Bago pa ito abutin ng isang buwan, congratulations nga pala sa mga nanalo sa Philippine Blog Awards noong September 21, lalo na sa mga kasamahan ko sa Bloggers’ Kapihan:

Naging finalist din si Bikoy ng Bikoy.net sa Blogger’s Choice at Best Personal Blog at kami ni Mong ng Mongster’s Nest sa Best Commentary category.

Congrats sa lahat ng mga nanalo. Sana’y di manamlay ang organizers at volunteers sa kabila ng mga malisyosong intrigang ibinabato sa kanila ng ilang bloggers at sa halip ay mapunan sa susunod na taon ang anumang mga pagkukulang sa katatapos lang na Bloggies.

(more…)