Published September 9th, 2007
Justice for Cris Anthony Mendez Video
Sa post-party gimik kagabi pagkatapos ng pinakaunang Bloggers’ Kapihan, ipinakita ni The Jester-in-Exile kina Shari ang video sa itaas. Gawa ito ni adrianatorres1111. (more…)
Sa post-party gimik kagabi pagkatapos ng pinakaunang Bloggers’ Kapihan, ipinakita ni The Jester-in-Exile kina Shari ang video sa itaas. Gawa ito ni adrianatorres1111. (more…)

Niño Calinao would have been 30 today. But he already wrote 30 on that fateful day eight years ago.
Kahit wala na siya, inalala pa rin namin noon ang kanyang kaarawan. May kuwento ako sa Birthday ng Isang Kaibigang Pinaslang.
Habang pinapanood ko sa telebisyon ang ulat tungkol sa hinagpis ng pamilya ni Cris Anthony Mendez, mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at pinaniniwalaang biktima ng hazing, bumabalik sa akin ang matinding kalungkutan ng mga naiwan ng kaibigan naming si Niño Calinao, na pinatay sa UP campus noong 1999.
Si Aling Nena, nanay ni Niño, ang naalala ko habang kinakapanayam ang luhaang ina ni Cris. Si Narjay, kaisa-isa at nakababatang kapatid ni Niño, ang nakikita ko habang ikinukuwento ng nakababatang kapatid ni Cris–O CA sa kanyang mga kaibigan–ang pangako ng kanyang kuya na susuportahan ang kanyang pag-aaral.
UP alumnus ka ba? Gusto mo ng ikaw@upalumni.net? Namimigay ng ganito sa www.upalumni.net. Libre ‘yan. Powered by Google pa. Hingi ka na. ![]()