Archive for the ‘People’


Published June 11th, 2008

Ang Pinoy, kapag nabastos…

Kilala tayong mga Pinoy dahil sa pagiging maasikaso sa mga bisitang dayuhan. Pero paano kapag ang dayuhan ang iba ang trato sa atin sa mismong bayan natin? Siyempre nakakapikon. Ganyan ang reaction ng mga taga-PinoyExchange sa kuwento ng isang PExer ang nagrereklamong sinungitan daw ng isang Italyanong restaurant owner sa Boracay.

Kung gusto ninyong basahin, narito ang discussion thread sa PinoyExchange. Salamat kay aajao, na nagbahagi ng link.

Published June 5th, 2008

Dyesebel

Mga larawan yan mula sa telepantasyang Dyesebel ng GMA-7. Napapanood ito gabi-gabi sa Kapuso Network, at pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Nasa cast din sina Luis Alandy, Bianca King, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Hero Angeles, at iba pa.

(more…)

Published May 21st, 2008

Ka Bel: A fighter for the right to free expression

Pumanaw si Anakpawis Rep. Crisipin Beltran kahapon matapos aksidenteng mahulog habang bumababa mula sa pag-aayos ng bubong ng kanilang bahay. Nakikiisa ako sa iba pang mga mamamahayag sa pakikiramay sa mga naiwan ni Ka Bel, isang tunay at tapat na tagapagsulong ng kapakanan ng masa.

(more…)

Published March 27th, 2008

Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino

Kuha ni Raymond Saldaña para sa Binibining Pilipinas“In exchange for a smattering of English, we yielded our souls.”

— Renato Constantino, The Miseducation of the Filipino

Mula sa blog ni AJ, nalaman kong may petisyon na pala para palitan si Janina San Miguel bilang Binibining Pilipinas-World. Para sa maraming Pilipino, tila bukod sa boksing ay mga patimpalak ng kagandahan na lang yata — at ang husay sa pagsasalita sa English — ang pag-asa ng bansang ito.

Gustong palitan ng mga may-akda ng petisyon si Janina dahil sa kakulangan niya ng kakayahang mag-English, na nakita sa kanyang sagot sa question and answer portion ng Bb. Pilipinas 2008.

(more…)