Archive for the ‘People’


Published October 21st, 2008

Among Ed sa Reporter’s Notebook

100_2678 Kinunan ang larawan namin ni Among Ed Panlilio noong bumisita ang Bloggers’ Kapihan sa Pampanga upang ilunsad ang blog ng butihing paring ngayo’y gobernador ng Pampanga.

Isa rin siya sa mga pinili ko sa Top 10 influential bloggers ng Digital Filipino.

Nalaman ko ngayong umaga lang na ang kuwento niya pala ay itatampok mamayang gabi sa Reporter’s Notebook ng GMA-7. Malalaman natin kung bakit gusto siyang i-recall ng mga pulitikong Kapampangan.

Narito ang mga buod ng palabas mamaya sa RN, GMANews.tv

(more…)

Published October 2nd, 2008

McBilly for Mr. Cebu 2008

McBilly Wilford Sy

McBilly Wilford Sy

Kung si Bb. Pilipinas Janina San Miguel ay nagsoli na ng korona at umatras sa laban para sa Miss World, tuloy na tuloy naman ang pagsali ni cyberceleb-blogger McBilly Wilford Sy sa Mr. Cebu 2008.

Puwede pa nga natin siyang iboto sa website ng male beauty pageant na sinalihan niya. Para tulungan at dagdagan ang boto ni McBilly, pumunta lamang sa www.mrcebu.com/MrCebuVote.php.

Pagkatapos ng pagmomodelo niya sa Bench Blackout at pagiging isa sa Cosmopolitan 69, abangan natin ang susunod na adventures ni friendly McBilly.

Published June 11th, 2008

Ang Pinoy, kapag nabastos…

Kilala tayong mga Pinoy dahil sa pagiging maasikaso sa mga bisitang dayuhan. Pero paano kapag ang dayuhan ang iba ang trato sa atin sa mismong bayan natin? Siyempre nakakapikon. Ganyan ang reaction ng mga taga-PinoyExchange sa kuwento ng isang PExer ang nagrereklamong sinungitan daw ng isang Italyanong restaurant owner sa Boracay.

Kung gusto ninyong basahin, narito ang discussion thread sa PinoyExchange. Salamat kay aajao, na nagbahagi ng link.

Published June 5th, 2008

Dyesebel

Mga larawan yan mula sa telepantasyang Dyesebel ng GMA-7. Napapanood ito gabi-gabi sa Kapuso Network, at pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Nasa cast din sina Luis Alandy, Bianca King, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Hero Angeles, at iba pa.

(more…)