Archive for the ‘Pagsamba't Pakikibaka’


Published July 15th, 2008

Bloggers’ briefing on poll automation

Isa sa mga karapatan natin bilang mga mamamayan ng isang demokratikong bansa ay ang pagpili ng mga pinunong magpapatakbo sa ating gobyerno. Kahit madalas tayong nahe-Hello Garci, may mga pagkakataong ang tinig ng bayan ay nangingibabaw at nagtatagumpay. Mas dadalas ang mga ganitong panalo ng bayan kung mababantayan natin ang eleksyon upang mapagkaitan ng pagkakataon ang mga gustong mang-Hello Garci. At para makapagbantay nang maayos, makakatulong kung alam natin ang mga proseso at teknolohiyang gagamitin sa halalan.

Bilang paghahanda sa ARMM election at sa 2010 presidential elections, samahan ninyo kami sa Bloggers’ Kapihan sa pagbusisi sa poll automation. Alamin natin kung paano gagamitin ang electronic voting machines at automated counting machines.

Narito ang paanyaya ng Bloggers’ Kapihan:

What: Bloggers’ briefing on poll automation

When: July 19, Saturday, 1:00pm - 3:30pm

Where: COMELEC Automated Electoral System Information Office, ground floor, Palacio del Gobernador Bldg. Intramuros, Manila (near Manila Cathedral)

(more…)

Published June 16th, 2008

EDSA 2: isang “pagkakamali” ng Simbahan?

EDSA 2 by Erman BallecerAng paksa ng susunod kong kolum sa Pinoy Gazette ay ang EDSA 2 at ang pagkakabanggit nito sa paper na “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises” ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila.

“The CBCP statements from the year 2004 to 2008 showed the end of the era of the CBCP’s political activism, in the sense of organizing rallies, that has blurred the line separating the Church and the State. The era of political activism faded away with the passing away of Cardinal Sin,” dagdag pa niya.

Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian — sa mga kademonyohan ng ating mga lider — ay magiging isyu ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado. Sa tingin ko, kung sinasamahan o pinamumunuan lamang ng Simbahan ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng karapatan nilang humingi ng isang mabuti at makatarungang pamamahala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Saligang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didiktahan ng Simbahan ang pangulo na ipatupad sa gobyerno ang mga utos ng Simbahan.

(more…)

Published June 8th, 2008

Blogger na rin si Among Ed

Blogger na rin si Father Ed Panlilio, ang gobernador ng Pampanga. Mababasa ninyo siya sa www.amonged.org/blog.

Kahapon, kasama kami ni Mhay sa lakad ng Bloggers’ Kapihan at mga kapwa bloggers sa Pampanga para sa paglulunsad ng blog ni Among Ed. Nagagalak ako’t nakita at nakausap namin siya nang personal. Natutuwa rin ako’t nakakuwentuhan namin nina Mhay at Jon ang ilang mga kabataang lider at estudyante ng Pampanga.

Sa susunod na update ay isasama ko ang mga larawang kuha noong blog launch.

Published June 5th, 2008

Invitation to Among Ed Panlilio’s blog launch

Where: Executive House, Provincial Capitol, City of San Fernando, Pampanga
When: June 7, 2008, Saturday, 10:00am

Bloggers’ Kapihan will participate and help in the launching of Pampanga Governor Among Ed Panlilio’s blog this Saturday.

The blog will be a platform to promote good governance in the province. Among Ed will also report his accomplishments as governor of Pampanga

Bloggers, journalists, students and other interested individuals and groups are encouraged to join the activity.

Free transportation and food will be provided to thirty (30) Manila-based bloggers. If you’re interested in joining the trip to Pampanga, please email mongpalatino@gmail.com.

Itinerary, options for the tour, and program at the Bloggers’ Kapihan website.

Kita-kits!