Archive for the ‘Usapang Media’


Published September 10th, 2008

Second issue of RP’s only refereed journal on journalism released

Second issue of the Philippine Journalism Review

Second issue of the Philippine Journalism Review

Source: Center for Media Freedom and Responsibility

The second issue of the Philippine Journalism Review (PJR), the only refereed journal in Asia devoted to journalism concerns and issues, is now available, the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) has announced.

Now an annual, the Philippine Journalism Review, or PJR, used to be a press monitoring publication in magazine format. That function has been taken over by the monthly PJR Reports, which CMFR also publishes.

The first issue of the reformatted PJR appeared in 2007 and was launched during the awarding ceremonies of the Jaime V. Ongpin Awards for Excellence in Journalism that year.

(more…)

Published June 18th, 2008

Malaya na sina Ces Drilon

Sa tweet ni Aileen ko unang nabalitaan ang paglaya nina Ces OreƱa Drilon, Jimmy Encarnacion at Prof. Octavio Dinampo mula sa kanilang mga kidnapper, at nakumpirma ko ito sa mga balita ng abs-cbnNEWS.com. at GMANews.tv. Salamat sa Diyos at makakabalik na sila sa kanilang mga pamilya matapos ang siyam na araw.

Published June 11th, 2008

Kinidnap sina Ces Drilon

Kinidnap ang nawawalang ABS-CBN newscaster na si Ces Drilon at ang kanyang mga kasama, ayon sa opisyal na pahayag ng network: “ABS-CBN News journalists Ces Drilon, Jimmy Encarnacion, and Angelo Valderama have been kidnapped for ransom.”

Ginagawa na raw ng ABS-CBN News ang lahat upang matulungan ang mga pamilya ng mga mamamahayag na nakidnap. Pero, susundin daw ng ABS-CBN News ang policy nito na hindi pagbabayad ng ransom upang di na lalong lumakas ang loob ng mga kidnapper na mangidnap ng iba pang mga mamamahayag.

(more…)

Published May 26th, 2008

Si Prof. Luis Teodoro at ang pananagutan sa blogging at peryodismo

Luis TeodoroNitong mga nakalipas na araw, sunud-sunod na batikos ang ipinukol ng ilang bloggers kay Prof. Luis V. Teodoro matapos iulat ng abs-cbnNEWS.com na sinabi niyang dapat mag-blog ang mga peryodista upang maging halimbawa ng iba sa Internet.

Si Dean Teodoro o LVT ay dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas, at guro’t idolo ng maraming peryodistang sinanay niya sa UP, kabilang na ako.

Unang pumutak si Dean Jorge Bocobo ng Philippine Commentary. Sa isang malinaw na halimbawa ng walang tuos at di-makatotohanang panulat, iniugnay niya sa CPP-NPA at sa publikasyong ng Ang Bayan si Prof. Teodoro at tinawag na “leftist” ang Center for Media Freedom and Responsibility — na dati kong pinagtatrabahuhan.

Inatake rin nang todo ni Bocobo ang mainstream media at ang corruption dito. Pinaliguan din niya ng papuri ang blogosphere samantalang sinabing nagiging extinct na ang media.

(more…)