Kahapon, oras na ng meryenda nang makabalik ako sa bahay galing sa pamimili ng mga aklat at ilan pang mga bagay. Sinabayan namin ng panonood ng telebisyon ang pagkain. Dahil Linggo, ang palabas nang oras na iyon ay balitang showbiz. At siguro’y dahil ilang araw nang bina-bash ng mga kasama ko sa bahay ang isang partikular na aktor na kinaaasaran namin, siyempre’y nasa mood manood ng mga kuwentong showbiz habang kumakain. At dahil puro “Kapamilya” ang mga kasama, ‘di na ako nagtangkang ipilit na panoorin ang programa sa paborito kong network.
Ibinandera ng palabas ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito. May balita rin tungkol sa reaksyon daw ni Sharon Cuneta sa pagkikita nina Gabby Concepcion at anak na si KC. Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia.
Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez–kasama sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.
Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. (more…)