Archive for the ‘Halo-halong Kwento’


Published December 23rd, 2007

Nasupalpal

Posted by mobile phone:
Tip para sa mga namimili ngayong Pasko: huwag basta-basta kukuha ng mga larawan ng mga paninda. Baka kayo masupalpal na gaya ko.

Sa isang nakalipas na entry ay binanggit ko ang mga kakaibang disenyo ng pambabaeng brand ng damit na Bayo–kakaiba dahil sa dami ng mga local brand na nagkukunwaring Stateside, may mga disenyo silang Proudly Pinoy na matatawag.

Napadaan kami kanina sa isang tindahan nila at nang tangkain kong kunan ang isang damit na may mga print ng monumento ni Rizal para mai-post dito, pinigil ako ng nagtitinda. Bawal daw kasi.

Akala ko sa mga museo lang bawal ang ganiyan. Sa mga tindahan din pala. Nasupalpal ako. Hindi kasi muna nagtatanong, hehe.

Gaya nang dati, ang naisip ko na lang: Kung ayaw nyo, e di huwag.

Published November 25th, 2007

Gusto mo bang makapasok sa bahay ni Kuya?

Gusto mo bang makapasok sa “bahay ni Kuya Ederic”?

Kulang kami ng isang housemate. Nag-”voluntary exit” kasi ang kaibigan kong si Bing noong isang buwan. Dahil dito, lumipat ako sa kuwarto niya. Wala na ngayong roommate ang pinsan kong si Jay na kasalukuyang nagsasanay sa isang kampo ng pulisya sa Laguna. At wala akong katulong sa pagbabayad ng renta.

Maaaring ikaw ang hinahanap naming roommate. Kung ikay ay good boy, nasa kolehiyo o kasalukuyang nagtatrabaho sa Kamaynilaan, at naghahanap ng matutuluyan sa Quezon City (Barangay Sacred Heart/Scout/Kamuning Area), bakit di mo silipin ang silid?

(more…)

Published September 19th, 2007

Kopi Bun

Pagkatapos naming maghapunan sa isang bagong kainan na naghahain ng kebab, dumiretso kami sa Kopi Roti sa Tomas Morato. Ito ang in-order namin:

Ganito na ito agad makalipas ang ilang minuto: (more…)

Published September 15th, 2007

WeeWillDoodle exhibits on Moleskines, at iba pa

WeeWillDoodle exhibits on Moleskines

Na-curious ka kung ano ‘yan, no? Basahin sa blog ni Rick ang detalye.

***

Samantala, dahil unang anibersaryo ng blog ni Gibbs, namimigay siya ng mga DVD. Take it! take it! (Sowee po, di ako naka-attend sa party.)

***

Si Bikoy, artista na! At naghubad pa! :p

(more…)