Archive for the ‘Buhay at Pag-ibig’


Published March 9th, 2008

Wait lang

Narito pa rin ako.

Di lang makasulat dahil sa di magandang nangyari sa amin nitong nakalipas na linggo, bukod pa sa may hinahabol na deadline at di kabilisang koneksyon.

(more…)

Published February 17th, 2008

Maospital ay di biro

Hindi nga pala biro ang pagpapaospital kung wala kang Philhealth o Medikard — at wala ka ring masyadong pera. Sa totoo lang, matutuliro ka.

Sinimulan kong sulatin ito noong nasa United Doctors Hospital sa Lucena City kami nina Nanay (lola ko) at Tito Rod. Ipinayo kasi ng doktor ni Nanay na ipatanggal ang tubig sa kanyang namagang tuhod na  nagdudulot ng matinding sakit kapag tumatayo o naglalakad.

(more…)

Published February 7th, 2008

Pagbabago

Umagang-umaga, nagba-blog ako. Mukhang bang nagpapa-bandying-bandying sa opisina kahit kapuputok lang ng mainit na balitang lumantad na si Rodolfo Noel Lozada at idiniin sina ex-Comelec Chair Abalos at FG Mike Arroyo?

Hindi naman. Ang totoo niyan, nasa bahay ako’t nakapagpadala na ng material sa opisina. Ansarap ng ganitong sa bahay nagtatrabaho. Puwede kang nakahubad habang nasa harap ng computer kong naka-Ubuntu at mabilis ang Internet habang umiinom ng tsaa.

(more…)

Published January 21st, 2008

Mga Pagbabalik-tanaw

Hindi ko pa naiisulat ang ederic@cyberspace noong 2007, pero sa Titik ni Ederic ay nai-post ko na ang “Mga usapin ngayong 2007″ na siyang yearender ko sa aking kolum sa Pinoy Gazette.

***

Bago sumiklab ang People Power 2, dalawang artikulo tungkol sa alternative press ang isinulat ko para sa Philippine Journalism Review ng Center for Media Freedom and Responsibility:

Eto naman ang mga isinulat ko pagkatapos ng EDSA 2:

(more…)