Published February 17th, 2008
Maospital ay di biro
Hindi nga pala biro ang pagpapaospital kung wala kang Philhealth o Medikard — at wala ka ring masyadong pera. Sa totoo lang, matutuliro ka.
Sinimulan kong sulatin ito noong nasa United Doctors Hospital sa Lucena City kami nina Nanay (lola ko) at Tito Rod. Ipinayo kasi ng doktor ni Nanay na ipatanggal ang tubig sa kanyang namagang tuhod na nagdudulot ng matinding sakit kapag tumatayo o naglalakad.








