Published November 29th, 2008
Singapura
Noong di pa ako nakatira sa apartment namin ngayon sa Quezon City, nasa first floor ng building ang restaurant na Singapura Rasa. Parang minsan lang ata ako nakakain doon dahil may kamahalan at kailangang maghintay nang may katagalan bago makakain. Nang wala na roon ang restaurant — di ko alam kung lumipat o nagsara — saka naman kami nakakahanap ng space roon.
These past weeks, lagi kong naaalala ang Singapura Rasa. Halos isang buwan na rin kasi akong nandito sa Singapore. May training ako para sa bagong trabaho ko as editor sa Yahoo! Philippines.
Sa isang hotel ako nag-i-stay, at nilalakad ko lang pauwi sa gabi. Safe naman daw rito. Saka nasanay na rin ako nung nasa GMA pa ako, kasi madalas din kaming naglalakad pauwi noon. Pagdating sa hotel, kadalasan ay lumalabas ako ulit at kumakain sa Kopitiam at pagkatapos ay tumatambay ako roon o sa Nanyang Academy of Fine Arts para sa libreng WiFi.








