Published October 28th, 2008
Joc time at bolahan muna
Luma na ito, pero napapanahon naman:
Anong joke ang di nakakatuwa?
Eh, di… Joke-Joke Bolante!
Luma na ito, pero napapanahon naman:
Anong joke ang di nakakatuwa?
Eh, di… Joke-Joke Bolante!
“I wanna go out! Stupid rally.”
Sa pagsubaybay ko kahapon sa reaksyon ng Twitteria* sa rally sa Makati, isa ang pahayag sa itaas sa mga natanggap ko sa aking telepono. Kinikilala ko ang karapatan nila sa kanilang opinyon, pero dahil open to the public ang tweets** nila, pahintulutan ninyong sagutin ko sila rito. Hindi ko na ili-link sa profile nila. Hanapin ninyo na lang kung nais ninyo.
Sa unang twit: Kawawa ka naman. Hindi ka nakagimik because of that stupid rally. Sana you went out to Ayala Avenue and made baka na lang. Better do a stupid thing than tolerate evil, di ba?
“Ugh. Rally again. Those bloody bastards wouldn’t leave Makati alone.”

Suhol, suhol on the wall
matuwid pinupukol,
ang tao’y inuulol.
Cash gift, cash gift kinupit?
Ang reynang kinukulit
muli ay walang imik.
Ang bayang nagngangalit
kahit pa ginigipit
lalo lang nagngingitngit!