Archive for the ‘Bench at Jollibee’


Published January 25th, 2006

Panlasang Dayuhang Di At Home sa Jollibee

Sa amin sa Marinduque, kapag may isang taong nagpipilit na gawin ang isang bagay–trying hard kumbaga–sinasabihan siya ng iba ng “Ano baga’t naata-ata ka n’yan, ay indi mo naman pala kaya?”

Medyo mahirap magbigay ng rough translation, pero sa tingin ko, gets na naman ninyo, di ba?

Anyway, may kababayan akong nag-YM sa akin ng isang link. Tungkol daw sa isang Amerikano na nag-comment tungkol sa Jollibee. At dahil Jollibee fan, excited kong binasa ang blog entry na ito. Akala ko, magkokomento ang sumulat na si Pamela Ribon tungkol sa kakaibang sarap ng paborito kong fastfood na kopya, pero nagpataob, sa McDonalds nila.

But no! Sobrang ganado ang tinamaan ng magaling sa pagkukuwento kung paano sila nasuka-suka sa mga hain ng Jollinee–mga pagkaing bukod sa araw-araw na nilalantakan ng milyun-milyong mga Pinoy ay kumakatawan din sa tamis ng panlasang Pilipino! (more…)

Published May 23rd, 2005

Disenyong Pilipino

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disensyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan. (more…)

Published December 22nd, 2004

Tulungan Ninyo Akong Basahin Ito

Alibata1

Natuwa ako nang Makita ko sa Bench ang t-shirt na ito. May tatak kasi itong Alibata. Para sa mga clueless, ang Alibata (o Baybayin) ay ang inaunang alpabetong Pilipino. Ginagamit ito bago tayo sakupin ng mga Kastila.

Noong isang taon, may salin sa Alibata ang pamagat ng website ko, gaya ng kay Chinito. ‘Di ko pa lamang ito naibabalik. (more…)

Published October 10th, 2004

Bee!

Miguel Cedric, Jolibee fanNakakaaliw si Migmig, pamangkin ni Mhay. Mahigit isang taon pa lang siya, pero gaya ko ay fan na fan na rin siya ni Jollibee.

Last week, habang narito sila sa Maynila, di niya tinantanan ang lolo at lola niya hanggat di siya dinala at pinakain sa Jollibee. Nakita niya kasi ang masayang bubuyog habang namimili sila sa kalapit na grocery store.

Habang nagbibiyahe naman kami pauwi sa Pampanga, sa bawat Jollibee at Jollibee billboards na madaanan namin ay bumubulalas siya ng “Bee!” (more…)