Bakit Nakangiti Ako Tuwing Dumadalaw sa UP
Nagtataka si MJ dahil wala raw akong bagong post. Di ko pa nabibigay ang utang kong post tungkol kina Rainier at Sandara sa Psychicpants. Di pa rin ako nakakapag-post sa The Philippines according to blogs ni Sassy Lawyer. Busy mode ako sa YM habang humahaba ang pila ng mga nanghihingi ng Gmail invitation sa isang post ko. Ganyan talaga. Office boy mode muna kasi ako.
At dahil magwi-weekend na, naalala kong noong nakalipas na weekend ay may nabasa akong article ng paborito kong si Malou Mangahas tungkol sa UP sa Sunday Inquirer Magazine. Naitampok din sa isyung iyon si Patricia Evangelista, UP student na nanalo sa isang international public speaking contest. Kaugnay niyan, eto ang isang Peyups article ko na pinamagatang “Bakit Nakangiti Ako Tuwing Dumadalaw sa UP” na sinulat ko noong Pebrero ng nakalipas na taon:
Sabi nga ng isang kanta, kung anumang dahila’y hindi mahalaga, basta’t ayaw mapalis ng ngiti. Gaya kanina.
Basahin ang buong artikulo sa Peyups.com.
Related Entries:








June 25th, 2004 at 2:32 pm
Sa Sunday Inquirer Magazine ba yun or sa Starweek ng Phil Star?
Kaka-miss nga ang UP. Homecoming na bukas. Pupunta ba kayo?
June 25th, 2004 at 2:40 pm
Opps, StarWeek ba ‘yun? Wow Mali ata ako. :p Di ata kami pupunta. Feeling bata pa for grand homecomings. Actually, wala lang pambayad. Hehehe.
June 25th, 2004 at 5:01 pm
Di lang ikaw ganyan, Ederic. Minsan, pag nagka-kite flying kami sa UP, uupo ako sa damo, ngingiti-ngiti. Parang, let me remember that this will always be a part of me and I will always be a part of this.
June 26th, 2004 at 8:04 am
Ako nga eh, minsan nakatunganga nalang sa kawalan habang inaalala ko yung mga panahong asa Diliman pa ako.
June 28th, 2004 at 1:32 pm
aba at nagka-senti-han na po. ako miss ko nang magbasa sa ilalim ng mga puno sa sunken!