Ad: Kailangan mo ba ng resume maker?
This is a DigitalFilipino.com Club sponsored post for ResumeServicePlus.com.
Graduation na naman. Tapos na ang apat o mahigit pang taon ng pagsusunog ng kilay sa kolehiyo. Wala nang allowance, wala nang gimik, wala nang bulakbol. Para sa mga aktibista, kanya-kanyang rally na dahil kung saan na naroon ang mga kaeskwelang kasama sa pakikibaka.
Ang susunod na hamon, pagkatapos ng bakasyon, ay paghahanap ng trabaho. Linggu-linggo ay isang katerbang Manila Bulletin ang bibilhin at gugupitin ang mga advertisement ng wanted at job opportunities, mag-aaral magsuot ng kurbata (para sa mga lalaki), pilipila sa mga jobs fair, at haharap sa interview.
Pero bago ang interview, ang pinakaunang dapat gawin ay paghahanda ng biodata, resume o curriculum vitae. Madali lamang ito sa mga bagong graduate. Pipili lang ng template, ilalagay ang mga datos, at isasama ang mga accomplishment sa college. Nag-student council ka ba? O campus paper editor siguro? Eh, kung Miss Engineering, isasama mo pa ba? Basta mas okay kung one page lang ang resume.
Sa mga medyo nakakailang trabaho na at naghahanap ng bago, mas kumplikado ito. Kailangan kasing i-highlight ang mga nagawa sa dating trabaho. Expected na sa mga may experience na sa iba’t ibang kumpanya na mani-mani na lang ang paggawa ng resume.
Ngunit bagong graduate ka man o may karanasana na, kung sa tingin mo’y kailangan mo ng tulong, magpa-assist sa mga Mr & Ms Resume Maker. Ang pangako ng ResumeServicePlus.com, “We help, and we deliver results!”
Related Entries:








