Archive for January, 2008


Published January 21st, 2008

Mga Pagbabalik-tanaw

Hindi ko pa naiisulat ang ederic@cyberspace noong 2007, pero sa Titik ni Ederic ay nai-post ko na ang “Mga usapin ngayong 2007″ na siyang yearender ko sa aking kolum sa Pinoy Gazette.

***

Bago sumiklab ang People Power 2, dalawang artikulo tungkol sa alternative press ang isinulat ko para sa Philippine Journalism Review ng Center for Media Freedom and Responsibility:

Eto naman ang mga isinulat ko pagkatapos ng EDSA 2:

(more…)

Published January 19th, 2008

Ang Aking Kuwentong People Power 2

Kasama ako sa EDSA2! Para sa Blog Action Week ng Bloggers’ Kapihan, narito ang aking ambag. Pinaiksi at inayos na bersyon ito ng “Liham ng Tagumpay” na unang nalathala sa Mga Kuwentong People Power 2 section ng Tinig.com.

Sana makadalo kayo mamaya sa Bloggers’ Kapihan 3.0: Bloggers remember People Power 2 kasama si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at iba pang personalidad ng People Power 2. Gaganapin ito 2 to 5 pm sa Kape Tasyo (Freedom Bar) na nasa at 2/F Anonas Commercial Complex, #3 Anonas St., Project 3, Quezon City. I-text lamang ako sa 09173864686 kung may mga tanong kayo.

Enero 16, 2001, Martes

Galing ako sa isang meeting sa Makati noong gabing nagsimula ang EDSA People Power 2. Nasa meeting pa lang ako ay nagsimula nang magdatingan ang text messages tungkol sa labing-isang pangit. May magmumura — akala ko nga galit sa akin yung officemate ko na naunang nag-text–may nanggagalaiti, at kung anu-ano pa. Yung isang natanggap ko: “Remember the names of these senators; they betrayed the Filipino people: [name of the ugly senators].” That time medyo alumpihit na ako but since nasa meeting nga, wala akong magawa.

Later, nagtawag ako at nakibalita. Pero basically, naintindihan ko na na yun nga, hindi pinabuksan ang second envelope. Samantala, tuluy-tuloy ang mga text sa aking cellphone. Noise barrage raw ng 11pm at rally kinabukasan sa Senate. 11pm na, nasa bus pa ako; medyo nag-umpisa nang magkaingay ang mga sasakyan sa labas. Ako, gusto kong magwala sa loob pero siyempre nakakahiya kung para akong baliw na magsisigaw nang bigla. Nagtaka lang ako dahil kahit lagpas ng 11, tuluy-tuloy pa rin ang mga busina. Kahit magtu-twelve na ay may bumubusina pa.

(more…)

Published January 16th, 2008

Kita-kits sa Bloggers’ Kapihan 3.0 ngayong Sabado

Beterano ako ng EDSA2! Kita-kits tayo sa isang hapon ng kuwentuhan at kapihan kasama ang mga beterano ng People Power 2:

Bloggers’ Kapihan 3.0
Jan. 19, 2008, Saturday 2:00-5:00 pm
Kape Tasyo (Freedom Bar)
2/F Anonas Commercial Complex
#3 Anonas St., Project 3, Quezon City

To confirm your attendance, kindly post a comment at the Bloggers’ Kapihan website or text me at 09173864686. Sana makapunta kayo at magsama ng mga kaibigan.

Patuloy pa rin ang Blog Action Week: Bloggers Remember People Power 2. Sali na! :)

Published January 14th, 2008

Rubik’s Cube

Nitong Kapaskuhan, niregaluhan ako ng Rubik’s Cube ng isang Kapuso. Medyo nauuso kasi ito ngayon sa isang departamento sa opisina. Naaliw ako sa bagong Rubik’s Cube ko dahil isang hamon ang pagbubuo nito. Pero hanggang ngayon, iisang gilid pa lamang ang nabubuo ko — kadalasan ay iyong puti.

Minsan, ipinahiram ko ang Rubik’s Cube kay Mhay at aliw na aliw rin siya sa pagbubuo nito. Halata ba sa larawan? Mas mabilis siyang makabuo kaysa sa akin.

(more…)