Archive for August, 2007


Published August 21st, 2007

Mas murang twitting

(Note: nang malapit ko nang matapos ang entry na ito, naisip kong mag-search muna kung ang tip na naiisip kong i-blog ay naisip at naikuwento na ng ibamg blogger. Tama ang hinala ko. Kaya kung ayaw ninyong basahin ang mahabang kasaysayan ng pagtu-Twitter ko at sa pamagat lang kayo intresado, puntahan na lang ang Markcas.com. Pero kung bored kayo at walang magawa, sige tuloy lang.)

Nang ipakilala ng PinoyExchange noon ang wireless journal service, isa ako sa mga naadik dito. Nagustuhan ko kasi ang ideyang makakapag-post ako sa isang journal ng kahit ano gamit ang cellphone ko kahit saan ako naroon: maging sa jeep man, MRT o sa kubeta. Pero kalaunan, natigil ang WJ ng PEx. Sinubukan ko itong ituloy sa Blogger, pero iba pa rin ang WJ.

May iba pang mga dumating na serbisyong kahawig ng WJ, ngunit karamiha’y pumalpak din. Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa Twitter sa site ni Jayvee. Siyempre, na-excite ako at agad ko itong sinubukan. (more…)

Published August 20th, 2007

Proyektong Malu Fernandez

August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs

August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez

Habang pinag-uusapan pa rin sa iba’t ibang sulok ng Philippine blogosphere ang pagpapatawa ni Malu Fernandez, tuloy ang kampanyang boykot ng Tingog.com. Ang iba, sumusugod na sa Multiply site ng People Asia.

Ang Tinig.com naman, mayProyektong Malu Fernandez. Mula ito sa mungkahi ni Benj Espina at sumusunod sa tradisyon ng mga writing project ng Digital Filipino.

Titipunin sa Tinig.com Blog ang reaksyon ng Pinoy bloggers sa isinulat ni Fernandez. Pagkatapos, pipili ang bloggers mismo ng 10 entry na pinakagusto nila. (more…)

Published August 17th, 2007

Malu Fernandez

August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs

August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez

“Balasubas” dapat ang pamagat ng entry na ito. Kaya lang, nang hinahanap ko na ang tiyak na kahulugan ng balasubas, parang mali yata ang naisip kong salita, kaya ginamit ko na lang ang pangalan ng taong paksa ng sulating ito.

Pasakalye muna: Kaninang tanghali, nagpakuha ako ng blood pressure sa clinic ng opisina namin. Okay naman, normal. Natuwa naman ako. Pero ngayong gabi, muntik na yata akong ma-highblood. Kasi naman, si Noemi, nag-twit ng “Boycott Manila Standard. Malu Fernandez reminds me of someone.” Na-curious tuloy ako kaya pinuntahan ko ang link na kasama ng twit niya.

Napadpad ako sa Tingog.com, naintindihan ko ang twit ni Noemi, bumilis ang tibok ng puso ko at medyo nanikip ang dibdib ko.

(more…)

Published August 16th, 2007

Marian Rivera

Maraming usapin sa Philippine blogosphere ngayon. Kadalasan, nakikisawsaw ako. Pero teka muna.

Eto muna ang slideshow ng mga larawan ng kaakit-akit na si Marian Rivera–ang bagong Marimar–na hiniling ng isang mambabasa. Sa ibang larawan, kasama rin niya si Dingdong Dantes na gumanap bilang Sergio. Mayroon ding kasama niya ang asong si Fulgoso.

Para sa mga tagahanga niya, mababasa ang kanyang profile sa iGMA.tv at maaari siyang maka-chat bukas.

(more…)