Published May 30th, 2007
Minahan sa Mogpog, tinanggihan
BOAC, MARINDUQUE -– Tuluyan nang tinanggihan ng Pamahalaang Lalawigan ng Marinduque ang aplikasyon sa pagmimina ng bakal sa mga Barangay ng Bocboc at Puting Buhangin sa bayan ng Mogpog na inihain ng Asian Iron Ore Corporation at Archean Mining Corporation (na kinakatawan nina Noel Mirabel at Isabelo Payongayong) sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) noong nakaraang taon.
Ang pagtanggi ng pamahalaang lalawigan sa panukalang pagmimina ay nakasaad sa isang opisyal na liham ng punong ehekutibo na may opisyal na sipi para sa Marinduque Council for Environmental Concerns. (more…)







