Archive for March, 2007


Published March 20th, 2007

Si Ka Satur

Naalala ko noong mawalan ako ng pinakauna kong trabaho. May tatlong buwan pa lamang akong correspondent sa Manila Times–na pinamamatnugutan noon ni Ma’am Malou Mangahas–nang ito ay magsara matapos mapilitan ang mga may-ari na ibenta ang dyaryo sa isang crony ni Pangulong Estrada.

Sa isang pagtitipon ng mga taga-media noong kasagsagan ng isyu ng panggigipit sa Times, dumalo ang guro namin sa UP na si Prof. Carolina Malay at ang kanyang kabiyak na si Satur Ocampo. Ipinakilala ako ni Ma’am Malay sa kanyang asawa at sinabihan ako ni Ka Satur–na matagal ding naging reporter ng lumang Manila Times bago maging aktibista at rebolusyunaryo–na huwag daw akong mawawalan ng pag-asa. (more…)

Published March 16th, 2007

James Yap at Hope

Kagabi, tinanong ako ng friend ko kung nakita ko na raw ba yung “malaswang larawan” nina James Yap at Hope. Magkasama raw sila sa isang kuwarto. Sobrang nagulat ako nang makita ko ang litrato.

Hinanap ko rin sa Internet, at nalaman kong ibinalita na rin pala ito sa Now What, Cat? at sa Expectorants.

Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ni Kris Aquino sa balitang ito.

Published March 7th, 2007

Dito sa Pilipinas

Sampung bahagdan na ng ating populasyon ang nasa labas, pero napakaraming Pilipinong nagkukumahog paalis. Kawalan ng trabaho at pagkakataon ang kadalasang reklamo. Hindi natin masisisi ang karamihan sa mga nagnanais lumabas ng bansa at magtrabaho nang ilang panahon sa ibayong dagat. Kailangan nilang buhayin ang kanilang pamilya. Sabi rin ng gobyerno, tumutulong sila sa ekonomiya dahil sa mga padala nila.

Pero nakapanlulumo iyong mga gusto nang manirahan sa ibang bansa, lalo na kung sila ‘yung mga mapapalad na nakapasa sa entrance test ng Unibersidad ng Pilipinas at naging iskolar ng bayan, o iyong mga di man paaral ng bayan ay mga topnotcher sa board exam ng kanilang propesyon. Hindi kapani-paniwalang kakapusin sila ng pagkakataon. (more…)

Published March 5th, 2007

Bench, Jollibee naman sa I-Witness

Image from Bench | Hosted by Photobucket - Video and Image Hosting
Kanina, nang ihatid kami ng Kuya ni Mhay sa terminal pabalik sa Maynila, dumaan ang kotseng sinasakyan namin sa Jollibee sa tapat ng terminal, at ang kasama naming dalawang taong gulang na nakababatang kapatid ni Migmig ay napabulalas ng “Jollibee!”–pero siyempre, hindi pa buo ang salita. Sa tingin ko, ang Jollibee ang isa sa mga salitang may tatlong pantig na pinakaunang natututunan ng mga batang Pinoy, lalo na ng mga taga-lungsod.

Naalala ko tuloy si Piolo, ang anak ni Ate Nikki na may-ari ng carinderia na kinakainan ko dati sa Novaliches. Mula sa Jabi, naturuan ko siyang bigkasin nang buo ang Jollibee. Tunay ngang bahagi na ng panlasang Pilipino ang Jollibee. (more…)