Archive for September, 2006


Published September 26th, 2006

Tugon ni Bien Lumbera, National Artist, sa parangal ng Ateneo

Ito naman ang talumpati ni Bien Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan bilang tugon sa parangal na iginawag sa kanya ng Ateneo de Manila University kamakailan:

ANG ATENEO SA KASAYSAYAN KO BILANG GURO NG PANITIKAN
Tugon sa Parangal, 22 Setyembre 2006
Escaler Hall, Ateneo de Manila University

Nang hingan ako ng talaan ng mga taong gusto kong maging panauhin sa okasyong ito, napukaw ang mga alaala ng sampung taong inilagi ko sa unibersidad na ito. Unang nagbangon sa gunita ang mga mukha ng mga estudyante at kapwa guro. Mga lugar sa kampus at mga pangyayari. At mga damdamin at diwang dinanas ko sa pakikipagkapwa sa mga gurong kapanahon ko, at sa pag-ugnay sa mga estudyante at sa mga tradisyon ng unibersidad. Kasabay ng mga alaala dumagsa ang mga yugto sa buhay ko nang ako’y nagsisimula pa lamang magturo at magpakilala bilang propesyonal sa labas ng unibersidad.

(more…)

Published September 25th, 2006

Showbiz Linggo

Kahapon, oras na ng meryenda nang makabalik ako sa bahay galing sa pamimili ng mga aklat at ilan pang mga bagay. Sinabayan namin ng panonood ng telebisyon ang pagkain. Dahil Linggo, ang palabas nang oras na iyon ay balitang showbiz. At siguro’y dahil ilang araw nang bina-bash ng mga kasama ko sa bahay ang isang partikular na aktor na kinaaasaran namin, siyempre’y nasa mood manood ng mga kuwentong showbiz habang kumakain. At dahil puro “Kapamilya” ang mga kasama, ‘di na ako nagtangkang ipilit na panoorin ang programa sa paborito kong network.

Ibinandera ng palabas ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito. May balita rin tungkol sa reaksyon daw ni Sharon Cuneta sa pagkikita nina Gabby Concepcion at anak na si KC. Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia.

Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez–kasama sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.

Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. (more…)

Published September 24th, 2006

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.

Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muli ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Yaong naghahatid sa atin ng balitang-”artista” sa isa sa mga pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas (UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). (more…)

Published September 16th, 2006

High blood

Pagkatapos kong ma-publish sa Young Blood last month, high blood na raw ako ngayon. 149/90 yata. Tsk tsk, nag-aala-Camilo Sabio pa ako. Shet, nakaka-high blood talaga ang pulitika ( o ang pagsubaybay sa pulitika). Nakaka-high blood din ang imperyalismo at ang dala nitong 7-11 at McDo. Sabagay, pati pag-order sa Jollibee at paghihintay ng kanilang delivery, ganyan din ang epekto.