Archive for August, 2006


Published August 24th, 2006

Huwag mo nang itanong

12:14 pm update: 173-32-1 ang final score. Read here for details.

Habang isinusulat ito, siguradong patuloy pa rin ang katayan sa House of Representatives. Kinakatay ng mga kinatawan ang reklamong impeachment laban kay Gloria Arroyo. Sayang, wala akong mapanood na live feed mula rito sa bahay.

Pero base sa updates na nabasa ko sa GMANews.tv at INQ7, mahigit 20 pa lang ang boto para sa impeachment, at 2/3 na ng may 168 congressmen and women ang nakapagpaliwanang ng kanilang boto. (more…)

Published August 22nd, 2006

Germany trip ticket

Alan Peter Cayetano photo from congress.gov.ph, hosted by photobucket.comAng suwerte naman ni Rep. Alan Peter Cayetano! Biruin mo, binigyan siya ni First Gentleman Mike Arroyo ng libreng tiket papuntang Germany. Ang claim kasi ng kapatid ni Ate Pia Pia Pia Compaņera, may bank account daw sa Germany sina FG. Mahigit 200 libong piso ang halaga ng tiket.

Aba, para talagang may foreign account, kasi nakakapanlibre papuntang Germany!

Published August 22nd, 2006

Ninoy

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

May natanggap akong text joke noong isang araw. Wais daw si Lumen, kasi nung hinoldap ang bus na sinasakyan niya, palihim niyang ipinasok sa kanyang panty ang 500 piso. Kaya lang, nung kunin na raw niya ulit yung pera, nakalabas na ang dila ni Ninoy!

Tila si Ninoy ay kilala na lamang ng marami sa atin–lalo na ng mga kabataan–bilang ang “malungkot” na tao sa 500 piso, o kaya’y ang tatay ni Kris Aquino. Sabagay, 23 taon na mula nang paslangin si Ninoy sa paliparang ngayo’y nakapangalan na sa kanya.

Si Ninoy ay anak ng isang senador at apo ng isang rebolusyunaryo. Maginhawa ang nakamulatan niyang buhay. Astig ang record niya: teen-ager pa lang, nag-cover na ng Korean War para sa pahayagang Manila Times. Naging negosyador siya sa pagsuko ng liderng Huk na si Luis Taruc kay Pangulong Ramon Magsaysay. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, at nabigyan ng fellowship grants sa Harvard University at Massachusetts Institute of Technology. (more…)

Published August 16th, 2006

Awa at Gawa sa Impeachment

Kasalukuyang pinag-uusapan ngayon ng House Committee on Justice kung sufficient in form and substance ba ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo. Siyempre, gusto nating umabot sa Senado ang impeachment, para sa–sabi nga last year ng congressman namin sa Marinduque na si Edmund Reyes–katotohanan.

Kaya lang mukhang mas maraming sa mga kasapi ng nasabing committee ang alipores ni Gloria. Naisip ko, kung ipagdarasal natin na maisulong ang impeachment, mangyari kaya? Di ba’t nasa Diyos ang awa, nasa tao ang ngawa–err, gawa?

So kung naisin man ng Panginoon na maipasa ang impeachment, kung ayaw naman ng mga congressmen–na biniyayaan ng Diyos ng freewill, pero maaaring biniyayaan na rin ng Palasyo ng padulas–may mangyayari pa rin ba?

O sadyang magiging mas malakas ang panalangin ng mga obispong ayaw sa impeachment, kaysa sa mga pamilya ng mga magsasakang naisahan sa fertizer scam, sa mga botanteng na-hello ni Garci, at mga mahal sa buhay ng mga aktibistang minalas na mapalparan?