Published July 5th, 2006
Superman Returns
(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)
“Noong unang kaarawan ni Miguel–ang superfriend kong pamangkin ng girlfriend ko–ibinili siya ng Tita Mhay niya ng Superman custome. Tuwang-tuwa ang bata. Nang magkaroon kami ng DVD ng lumang pelikulang “Superman: The Movie”, araw-araw itong pinapanood ni Miguel. Gustung gusto niya kapag tumutugtog na ang Superman theme, at may mga eksena siyang paulit-ulit na pinapanood. Sa kalaunan, nagasgas ata ang DVD dahil sa kaka-rewind.
Minsang nasa kanila ako, sinubukan kong panoorin ang buong pelikula. Kaya lang, nagloko ang gasgas na DVD at ‘di ko natapos ang pelikula. Ang totoo kasi niyan, bagamat dati’y nanonood ako ng Lois & Clark sa TV, hindi ako nakabasa ng comics nito at ‘di ko pa napanood ang mga pelikulang kabilang sa Superman series. Bandang huli, nakahanap din ako ng piratang DVD na naroon ang lahat ng apat na pelikula: “Superman: The Movie”, “Superman II”, Superman III”, at “Superman IV: The Quest for Peace.” Sadyang isip-bata yata ako–o aliw lang talaga sa mga superhero at malapit sa mga konsepto ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan—kaya’t gaya ni Miguel, sobrang naadik din ako, at pinagpuyatan ang panonood matapos lamang agad ang apat na pelikula. (more…)








