Published April 28th, 2006
Sa Alaala ni Uncle Bob (ng Lucky 7 Club)
Isang memorial service ang idinaos kanina sa GMA Network Center para kay Robert “Uncle Bob” Stewart, na siyang nagtatag ng Channel 7 at Radio DZBB. Isang mamamahayag na Amerikanong labis na napamahal sa ating bansa, pumanaw siya noong April 6, 2006, sa Phoenix, Arizona.
Hindi ko na naabutan si G. Stewart sa GMA-7–ilang dekada na siyang wala nang pumasok ako sa kumpanya. Noong bata pa ako’y alam kong mayroong palabas na “Uncle Bob’s Lucky 7 Club”, pero mas pinanood ko ang “‘Yan ang Bata” ni Encar Benedicto dahil Tagalog ang usapan ng mga bata roon. (Naging card-bearing member pa nga ako ng ‘Yan ang Bata Club.) (more…)







