Archive for February, 2006
Published February 20th, 2006
Pinoy Abroad in Egypt
Come and Join Ivan Mayrina as he visits one of the nucleus of Ancient Civilization and the home of the magnificent pyramids and mummies to meet our fellow kababayans overseas.
Watch Pinoy Abroad: Egypt Special
February 22, Wednesday
11:30pm, after Nuts Entertainment and Saksi
another world class coverage brought to you exclusively by your Kapuso network, GMA 7.
Published February 19th, 2006
Dusa’t Tagumpay, At Iba Pa
Dumaan ako sa INQ7 para mag-scan ng mga balita, at nalaman kong habang nakabaon pa rin sa putik ang marami nating kababayan sa Southern Leyte, nanatili naman kay Brian Viloria ang kanyang titulo.
***
Happy birthday, Migmig.
***
Katatapos ko lang mag-upload ng mga lumang Pinoy Gazette articles ko sa Titik ni Ederic.
***
Fifth death anniv ni Niño Calinao, at unang taon ng paglipad ni Moti.
Published February 19th, 2006
Wowowee Tragedy
Halos iisa ang kanilang mga istorya, at ang mga kuwentong ito’y hindi kawili-wili: nagkakaedad o may edad na matandang babaeng naghihirap sa buhay. Sa kawalang pag-asa, nawili sa programa ni Willie Revillame ng Wowowee sa ABS-CBN. Ang nakakaaliw na palabas ay nagtatampok ng mga palarong sinasalihan ng karaniwang tao, ng masa–sila ang star ng programa. At higit sa lahat, kapag sinuwerte ang mga sumasali, mananalo sila ng premyo. Wowowee, sino nga naman ang hindi mawiwili?
Kaya naman sa unang anibersaryo ng kanilang paboritong programa, sila’y sumugod sa Philippine Sports Arena o ULTRA. Malalaki ang mga papremyong ipinangako sa kanila. Sinong naghihikahos ang hindi magbabakasakaling maambunan ng suwerteng ipinamimigay ng mga sponsor ng programa ni Willie? (more…)








