Published November 23rd, 2005
Mga Nakaligtaang Bagay
Noong nasa kolehiyo pa ako, ang isang kaibigan ko’y may mga mga ‘di natapos na bagay o nakaligtaang pakikipag-ugnayan sa isang kaeskuwela niya noong high school. “Unfinished business,” wika nga niya. Hindi ko na matandaan ang lumang kuwento–kung naging sila ba o hindi–pero ang alam ko, tinulungan ko siyang muling makaugnayan ang kamag-aral na noo’y nasa ibayong dagat na.
Sa panaginip ko noong isang gabi, naroon ang kaibigan kong ito, at ang isa pa naming kabarkada noong kolehiyo. Kadalasan, ang panaginip ay ‘di basta-basta maunawaan at walang kawawaan. Ni hindi na nga kami nagkikita-kita nitong mga ikinukuwento ko sa inyo, pero ewan ako’t napanaginipan ko sila. Nakatambay yata kami sa simbahan, o naglalakad. Di ko na matandaan. Baka um-extra sila sa panaginip ko dahil sa Friendster. (more…)








