Published July 31st, 2005
Kung Bakit Dapat Magbitiw si Arroyo
(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)
Gaya ng marami, masaya ako nang manumpa na si Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong Pangulo noong 2001. Ipinangako niyang pangungunahan ang laban sa kahirapan, iaangat ang batayang moral sa pamumuno, isusulong ang bagong pulitika, at magiging halimbawa ng isang mabuting pinuno.
Hindi maitatangging may pagtatangka ang pamahalaang Arroyo na totohanin ang pagsugpo sa kahirapan. May mga konkretong programa ito na siguro kung maipagpapatuloy ay makakatulong, bagamat hindi tuluyang makalulutas sa problema ng kahirapan. (more…)







