Isa ako sa mga pinalad na makita nang may kalapitan–bagamat ilang saglit lamang–si Papa Juan Pablo II noong ginanap ang World Youth Day sa Maynila sampung taon na ang nakalipas. Nakasakay noon ang Santo Papa sa kanyang Pope mobile.
Sang-ayon ako sa sinasabi ng marami tungkol kay Pope John Paul II: tila may taglay siyang liwanag na sumisinag sa lahat ng mga nakakakita sa kanya. Ang liwanag na itong bumabalot sa Santo Papa ay naghahatid ng banal na ligaya at nagbibigay ng pakiramdam na natunghayan mo ang Diyos. Hindi kataka-taka, sapagkat ang isa sa mga tawag sa Santo Papa ay ang Kinatawan ni Kristo at kahalili ni apostol San Pedro, itinalagang lider ng Simbahang itinatag ni Kristo.
Ngunit sa kabila ng kanyang mataas na katungkulan bilang pinuno ng Simbahang Romano Katoliko, si John Paul the Great ay nangungunang halimbawa ng pagiging mapagpakumbaba. Ang kanyang pagiging mapagpatawad at pagdamay at pagmamahal sa sangkatauhan nang walang pagtangi sa lahi at pananampalataya ay halimbawa rin ng maka-Diyos na katangian.
Alam na ng lahat–base sa mga kuwento ng mga taong nagtrabaho nang malapit kay Juan Pablo II–ang kanyang payak na pamumuhay. Ayaw niya sa luho at simple ang kanyang mga personal na pananamit. Tumanggi rin si Juan Pablo II na buhatin siya sa tradisyunal na silyang trono ng Santo Papa. Kahit noong maysakit at mahina na siya, sa abot ng kanyang makakaya ay pinilit niyang gumalaw nang hindi binubuhat. (more…)