Archive for November, 2004


Published November 17th, 2004

Sa Hacienda Luisita

HACIENDA LUISITA
Ni Alexander Martin Remollino

Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha’t pawis ng sakada’t manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.

Hacienda Luisita,
saanman ibaling ang mga mata
ay mukha mong nakangisi ang natatanaw:
nakikita ko sa iyong mga pinaslang na welgista
ang mga ibinuwal na sakada ng Escalante
at mga itinumbang magsasaka sa Mendiola.

Magpista ka, Hacienda Luisita,
sa tamis ng dugo ng mga binaklasan ng buhay
nang dahil sa paggigiit ng karapatang mabuhay.
Ngunit mangilabot ka,
pagkat wala pang nakapagbubuwal
at walang makapagbubuwal
sa Bundok Arayat!

Pito na ang napaulat na napatay sa karahasan sa Hacienda Luisita. Ang mga magsasakang naghahangad ng ikabubuhay, inagawan ng buhay!

Sino’ng hindi magngingitngit?

Published November 14th, 2004

Blogging Journalists, at iba pa

Habang patuloy tayong inuulan ng malulungkot na balita tungkol sa pagpatay o pagtatangka sa buhay ng mga mamamahayag sa Pilipinas, ibabahagi ko sa inyo ang sites ng mga peryodistang netizens.

Natatandaan kong minsa’y nag-post si Sassy Lawyer ng links patungo sa blogs ng mga peryodistang nagba-blog. Napasama ako sa listahang iyon. Kamakalawa naman, nakuha ko sa PinoyPress ang links sa blogs nina Isolde Amante ng SunStar DailyCebu , Jose Torres Jr. ng abs-cbnNEWS.com, at Iris Gonzales ng BusinessWorld. Nagba-blog din sina Joey Alarilla ng INQ7, Alex Remollino ng Bulatlat.com, Suyin Jamoralin ng ANC, at Glenn Omanio ng Kyodo News.

Kung gusto naman ninyong makabasa ng maanghang na kritisismo ng Philippine media, puntahan ninyo ang Alternation101 ng isang nagpapakilalang si Sef. Medyo nagkasagutan lang kami dahil sa isang post niya na nagsasabing nagba-blog daw ang GMA-7 sa Internet para i-market ang mga palabas nito. (more…)

Published November 3rd, 2004

Si Jasmine Trias at ang pagiging Pilipino

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Nagkakagulo rito sa Pilipinas dahil sa pagdating ng isang “American Idol.” Bumisita pa nga siya sa Palasyo ng Pangulo ng Republika

Eh ano kamo kung magkagulo? Normal naman sa mga Pinoy na pagkaguluhan ang mga sikat na foreigner, lalo na kung Amerikano? Pero ibang sitwasyon ito. Ito kasing dumating na “American Idol,” eh Pilipino raw!

So, iisipin natin: Ala eh asteeg pala talaga tayo? Isipin mo’y maging “American Idol” ang isang Pilipino! World class na lahi talaga tayo! (more…)