Archive for October, 2004


Published October 11th, 2004

Starstruck ulit!

Mamaya na ang simula ng bagong Starstruck. Sino kaya ang susunod sa yapak nina Mark Herras, Jennilyn Mercado, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi?

Isa kaya sa kanila ang anak ni Eddie Gil? Hello Papa! Hello Mama! :D

Published October 10th, 2004

Bee!

Miguel Cedric, Jolibee fanNakakaaliw si Migmig, pamangkin ni Mhay. Mahigit isang taon pa lang siya, pero gaya ko ay fan na fan na rin siya ni Jollibee.

Last week, habang narito sila sa Maynila, di niya tinantanan ang lolo at lola niya hanggat di siya dinala at pinakain sa Jollibee. Nakita niya kasi ang masayang bubuyog habang namimili sila sa kalapit na grocery store.

Habang nagbibiyahe naman kami pauwi sa Pampanga, sa bawat Jollibee at Jollibee billboards na madaanan namin ay bumubulalas siya ng “Bee!” (more…)

Published October 9th, 2004

Yanig

Kagabi, inuga ang Luzon ng isang lindol. Nagulat na lang kami’t gumagalaw ang gusaling kinaroroonan namin. Bababa na nga sana kami, pero tumigil din naman, kaya balik sa pagtulog.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology & Seismology, intensity 6.2 ang lindol. Wala naman daw ini-expect na damage, pero posibleng may aftershocks. (more…)

Published October 9th, 2004

Feeds

Kakukulit ko lang kay Prem tungkol sa paggamit ng RSS feeds para mai-display ko sa aking blog ang posts galing sa mga paborito kong bloggers. Sabi niya, hanapin ko raw ang Magpie’s RSS. Sa kakahanap, napunta ako sa site ng Feed2JS ni Alan Levine.

Narito ang feeds page ko. Kasali diyan ang feeds ng Mulawin blog.