Archive for May, 2004


Published May 23rd, 2004

Hindi talaga inindorso ng Aglipayan Church si Gloria

Nakuha ko ang e-mail na nasa ibaba sa isang e-group, at lalo nitong kinumpira ang isinulat ko na imposibleng sumuporta kay Gloria Arroyo ang Iglesia Filipina Independiente na lalong kilala bilang Aglipayan Church. Di tulad ng ilang sektang mala-kulto at nang-uuto ng kanilang mga miyembre upang suportahan ang inaakala nilang mananalo (at sa gayo’y mapanalitili ang kanilang political clout), disente at may rebolusyunaryong kasaysayan ang IFI. Imposibleng suportahan nito ang isang kandidatong fan na fan ng imperyalistang US.

Nakakalungkot. Talagang ginawa ng ilang kandidato ang lahat–pati ang pagsisinungaling–manalo lamang. Sabagay, ano pa nga ba ang bago?

By the way, Romano Katoliko po ako. Hindi po ako Aglipayano.

(Hindi rin po ako si Eddie Gil o si Rainier Castillo.

To: botomo@yahoogroups.com
From: “marinduque_net”
Date: Sat, 08 May 2004 17:03:48 -0000
Subject: [botomo] Misrepresenting the Philippine Independent Church

I am a member of the Philippine Independent Church (Aglipayan Church) and I know for a fact that the church never publicly endorsed any candidate at all.

I am dumbstruck to read the news article dragging the name of our church to the propaganda perpetrated by the present administration.
http://www.inq7.net/brk/2004/may/08/brkpol_6-1.htm

When I saw the name Armando de la Cruz as the Supreme Bishop, then, it became clear to me that this news article was erroneous. Our Supreme Bishop is The Most Rev. Tomas A. Millamena D.D. I researched and found out that this de la Cruz is part of a group of priests who broke away with the Church. This group are those who collaborated with the Marcos dictatorship and I am not surprise[d] that they are again engaged in this kind of political sellout.

(more…)

Published May 21st, 2004

Kanluran

Habang binabasa ko ang column ni Prof. Teodoro tungkol sa mga pananaw ng mga Pilipino sa mga kaganapan sa US at Iraq, bigla kong naisip ang ilang linya sa kanta ng Banyuhay ni Heber:

Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

(more…)

Published May 20th, 2004

Eddie Gil Jokes

Artista na si Eddie Gil. Di nakaporma sa politika, pero rumaratsada na sa showbiz. At ngayon, kumakalat na ang mga Eddie Gil Jokes. Paano ba ‘yan, Erap?

Ngapala, yung page ko na puro feedback ng mga fans at di fans ni Eddie Gil, ginawan ko ng sariling address: http://www.eddiegil.tk. Pero kung gusto ninyo ay iyong what looks like his official web site, go to EddieGil.org.

Medyas
Isang alalay: Boss Eddie Gil, bakit magkaiba ang medyas mo? Isang green, isang red.
Eddie Gil: Ewan ko nga kung saan ito nabili ni Misis. May isang pares pa ako na ganito sa bahay.

Eddie Gil Makes a Wish
Eddie Gil shows a map of the Philippines to a genie and wishes that all the islands be connected by fly-overs.
Genie: I’m not that good. Make another wish!
Eddie Gil: Okay. Make me intelligent!
Genie: Can i see the map again?

Eddie Gil calling a hotel receptionist.
Eddie Gil: Paano ako makakalabas dito sa kuwarto ko?
Receptionist: Bakit po sir, ano pong problema sa mga pinto?
Eddie Gil: Dalawa lang ang pinto. Ang isa pag bukas ko banyo. ‘Yung isa naman may nakasabit na “do not disturb.”
(more…)

Published May 19th, 2004

Relaks

Mapagbigay ang panahon
kapag ganitong payapa
at tahimik ang pampang.
Ngunit malupit, masagwa
bulag na rumaragasa
ang init ng sigwa.