Archive for May, 2003


Published May 16th, 2003

May Lakambini ang Aking Tag-araw

Isang mainit na tag-araw, aksidenteng pinagtagpo tayo ng kung anumang puwersang nagbibigay-direksyon sa ating kasaysayan. Sa unang pag-uusap ay agad na humanga ako, di lang sa iyong kagandahan ngunit sa iyong paninindigan at pagmamahal para sa ating propesyon at bokasyon.

Hinila mo ako palabas ng Net na puno ng sapot ng kabiguan, kung saan ako lulutang-lutang sa balag ng kawalang katiyakan. Niyaya mo akong mag-enjoy rin sa tunay na mundo, at puno ng pananabik na inabangan ko ang bawat nating pagsasama.

Nagtagpo tayo kapwa sa cyberspace at ganoon din sa ibabaw ng daigdig na may tatlong dimension kung saan ang tubig, hangin, lupa, at apoy ay di lamang nakikita?t naririnig, kundi nahahawakan at nararamdaman din.

Magkasama nating tinanaw ang mga bituin habang ninanamnam ang lamig ng gabi sa Sunken Garden sa kabila ng kainitan ng umiiral na tag-araw. Nagsalo tayo sa matamis na kasiyahang dala ng good time teddy bear na putol ang paa matapos mabiktima ng bomba ni Bush sa Iraq. Buong gabi nating nilamay ang pagsubok na unawain ang kaisipan ni Little Prince at ang kuwento nila ng kanyang matampuhing rosas. Ibinulong natin sa isa?t isa ang mga nakalipas na kabiguan at mga pangarap para sa kinabukasan.

Ang ugnayan nati?y patuloy na yumabong, at hindi naging hadlang ang layo sa ating mga kuwento?t balitaan at mga mapagpalayang buntunghininga sa gitna ng mga trahedya sa bayan nating puno ng luha?t dalita. Habang tayo?y magkalayo, umigpaw sa pagitan ng mga bundok at dagat ang ating mga tinig at sa tuwina?y halos magkandarapa ako sa pananabik na muli kang marinig.

Sabi mo, kakaiba ako (kahit sobrang corny, hehe). Ngunit pareho tayong kakaiba. Hindi ka gaya ng karaniwang babae. Bagama?t tulad ni Maria Clara’y kailangan mo rin ng mapagkalingang mga bisig, malampa man ako?y kaya mo akong alalayan at nauunawaan mong hindi sa lahat ng oras ay kasinlakas ako ni Shaider. Ideyal kang kasama tulad din ng magandang si Annie. Hindi ka lamang palabang Cinderella at mulat na Gabriela?mas asteeg ka pa kaysa kay Darna. Dahil diyan, titingin pa ba naman ako sa iba?

Dati, sinabi kong kung muli akong makakaramdam ng tulad ng nararamdaman ko ngayon, higit pa sa romantikong pangangarap at pagsusulat ang aking gagawin. Sabi ko, siguro?y tatayo na ako, kikilos at muli?t muling susugal hanggang sa tagumpay.

Isang malaking sugal sa pagitan ng kaligayahan at kasiphayuan ang ginawa ko nang ipasilip ko sa iyo ang aking kaluluwa ngayong tag-araw.

Pero sana, ikaw na lang ang lalagi kong kasama sa bawat tag-araw at sa bawat panahon ng buhay ko.

http://www.peyups.com/article.khtml?sid=2241

Published May 13th, 2003

Paggunita kay Mabini

Naka-half mast ngayong araw na ito ang mga bandila sa mga pampublikong tanggapan bilang pag-alaala sa sentenaryo ng pagpanaw ni Apolinario Mabini, ang Utak ng Himagsikan. Ang ganitong gawain ay ayon sa Proclamation No. 377 ni Pangulong Gloria Macapaga-Arroyo na nagdedeklara sa Mayo 13, 2003 bilang araw ng pambansang paggunita sa kamatayan ni Mabini. (Mula sa ulat ng Inquirer.)

Samantala, basahin ang “Apolinario Mabini: A Century After His Passing” ni Alexander Martin Remollino sa Bulatlat.com.

Published May 10th, 2003

Betrayal

From the book “Supremo: the Story of Andres Bonifacio” by Sylvia Mendez Ventura:

A soldier under Lazaro Makapagal revealed to Bonifacio’s boyhood friend and fellow Katipunero, Guillermo Masangkay, that the Supremo was hacked to death with bolos and bayonets. A farmer said he saw five men hacking a man in a hammock.

On May 10, 1897, Emilio Aguinaldo’s men murdered the founder of the Katipunan. Patriot Apolinario Mabini described the assassination of Bonifacio as “the first triumph of personal ambition over true patriotism…”

Published May 7th, 2003

Peke Pero Totoo?

May ipinamigay na dokumento sa mga mamamahayag kahapon ang kontrobersyal na abogadong si Homobono Adaza. May letterhead ng tanggapan ng Presidential adviser on Peace Process, ang dalawang pahinang dokumento ay naglalatag ng policy umano ng gobyerno hinggil sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Iniuugnay ng dokumento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga bombahan at iba pang karahasan sa Mindanao. Nakasaad dito ang planong pag-atake sa Buliok Complex at panggigipit sa MILF hanggang sa ang mga puno ito’y sumuko, ang paghuli–patay man o buhay–kay Salamat Hashim, ang paninisi sa MILF sa mga “AFP-backed bombings” sa malawakang psywar operation sa media, at ang pinakahuli’y ang pagdedeklara sa MILF bilang foreign terrorist organization na magbibigay daan sa pananatili ng puwersang Amerikano sa Mindanao.
(more…)