Archive for March, 2003


Published March 30th, 2003

Out of the matrix

I was able to escape from my virtual world last night when I attended this year’s alumni homecoming of the UP Journalism Club. I was not really planning to go anywhere outside our village last night–not after an eleven-hour sleep the whole day–since I’m broke and I almost ran out of clean clothes to wear already. My former editor and former colleagues in the Philippine Journalism Review, Prof. Teodoro V-lyn, and Barn, however, called me to ask if I’m attending. I said I’m not going there but changed my mind after a while.
(more…)

Published March 29th, 2003

Batang Peace

Patakbo siyang lumapit sa may akin habang pinapanood ko ang mga demonstrador. Nahalata niya siguro ang aking camera at Press ID kaya medyo nagpa-cute siya sa tabi ko. Nang tumingin siya sa akin, parang may gusto siyang sabihin. At ang kanyang mensahe’y literal na nabasa ko sa kanyang mukha–sa noo, actually. Hinuli ko ang diwang nais niyang iparating. Basahin din ninyo.

Kasama si Batang Peace sa tinatayang 5,000 mamamayang nagmartsa kahapon sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati upang ipahayag ang pagtutol sa nagaganap digmaang agresyon ng US at mga kaalyado nito laban sa Iraq. Nanawagan din sila ng pagbawi ng suporta ni Gloria Macapagal-Arroyo sa digmaang ito.
(more…)

Published March 26th, 2003

Giyera Patani, atbp.

FLASH REPORT!

Please go to the CNN website and read the news of Saddam killing his wife in a fit of rage.
(more…)

Published March 25th, 2003

Kahibangan

Noong isang umaga, nang mananalangin na ako bago humimlay para mamahinga, sabi ko’y ipagdarasal ko ang mga biktima ng agresyon sa Iraq. Ngunit paano ko nga ba magagawang ilarawan sa aking isipan ang kanilang sitwasyon? Paano ko mararamdaman ang kanilang takot?

Inisip kong babagsakan na ng bomba ang kanilang mga tahanan. Ano kaya kung sa akin mangyari ito? At pagkatapos ay inisip kong ang mga bolang apoy ay babagsak sa mismong bubong ng aking tahanan. Masusunog ang aking munting bahay, magkakapira-piraso ang manipis kong katawan, at tatangayin ng hangin ang aandap-andap kong kaluluwa. Huwag naman po sana, Diyos na Mahabagin! Nangilabot ako, at sinimulan na ang pagdarasal. Pinatulog ako, hindi ng aking pangingilabot, kundi ng aking puyat.
(more…)